Nagtipon-tipon ang mga negosyante at mahihilig sa kape sa pagdiriwang ng Davao de Oro sa International Coffee Day nito lamang Oktubre 1, 2024 na ginanap sa Activity Hall ng Provincial Capitol sa Nabunturan, Davao de Oro.

Ang International Coffee Day ay isang okasyon na nakatuon sa pagtataguyod at pagdiriwang ng kape bilang inumin.

Ang taunang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing plataporma upang matuto mula sa mga eksperto, makipagpalitan ng mga ideya tungkol sa paghahanda ng kape hanggang sa pagnenegosyo habang binibigyang-diin ang pagpaparangal sa kontribusyon ng mga magsasaka ng kape sa pag-unlad ng industriya.

Ang Lalawigan ng Davao de Oro sa ilalim ng pamumuno ni Gobernador Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, ay patuloy na nagsusumikap upang itaguyod ang ekonomikong pag-unlad sa pamamagitan ng industriya ng kape.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *