Nasakote ang Top 3 Most Wanted Person ng Northern Mindanao sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-1 Oktubre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Burot” 45 anyos, driver at residente ng Barangay Tugop, Titay, Zamboanga Sibugay.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case No. R-CDO-2024-02515 na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagtugis sa mga taong nagtatago sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa ating bayan.