Inilunsad ang kauna-unahang Rise– Artificial Intelligence (AI) and Drone Tech Expo sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-30 ng Septyembre 2024.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ni City Administrator Atty. Roy Hilario Raagas, na kinakatawan ni Mayor Klarex Uy, City Education and Development Department – City Scholarships Office Departmnent Manager Richel Petalcurin-Dahay at City Councilor Suzette Magtajas-Daba, Chairperson ng Committee on Education.
Mayroon ding libreng AI at Drone playtime kung saan ang mga walk-ins ay binibigyan ng pagkakataong magpatakbo ng drone pagkatapos ng maikling mensahe mula kay Thor Turrecha ng meldCx patungkol sa Learning Opportunities with Smart Technologies.
Ang Expo ay binubuo ng 10 booth na magpapakita ng makina na gagamitin ng AI, 4 x 4 truck na magsisilbing server, drone cage at iba pa.
Ayon sa CEED-City Scholarships Office, layunin ng Expo na maiparamdam ang teknolohiya ng kabundukan, lalo na ang asahan na ang scholarship ay hindi lamang apat na taon kundi pati na rin sa tatlong buwan.