Ang Pangi River ay isa sa mga sikat na tourist spots dito sa Region 12.
Ito ay sikat dahil sa malinis na tubig.
Maraming turista ang bumibisita dito at nag-e-enjoy sa ambiance nito.
Ang malinis na tubig ng Pangi River ay kilala rin sa White Water Tubing sa New La Union, Maitum, Sarangani Province.
Ang white water tubing ay isang cool water adventure. Ligtas din ito dahil naroroon ang mga life vests at helmet at gagabayan ng Water tubing buddy sa iyong buong biyahe at ang white water tubing ay isang adventurous na 1.6-kilometrong biyahe sa ibabaw ng mga bato at nagpuputiang tubig.
Ang White Water Tubing sa Maitum ay hindi masyadong mapanganib. Isa itong matinding adventure ngunit masaya at hindi malilimutang karanasan.