Sumuko ang kabuuang 35 na dating kasapi ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Asuncion, Davao del Norte nito lamang Setyembre 23, 2024.

Nabatid na 20 na iba’t ibang armas ang isinuko ng mga dating rebelde. Nasaksihan at sinuportahan naman nina Davao de Oro Provincial Governor Dorothy “Dotdot” M. Gonzaga, 2nd District Congressman Ruwel Peter Gonzaga, Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, at iba pang mga opisyal ang naging makabuluhang hakbang ng mga dating rebelde tungo sa pagbabago ng kanilang buhay.

Ito ay nagpapahiwatig na epektibo ang kampanya ng PNP at AFP na tuldukan ang karahasan sa Mindanao. At ito ay isang indikasyon na walang puwang sa Davao Region ang terorismo at insurhensya, bagkus, kapayapaan ang gusto ng iba’t ibang grupo na bumubuo sa rehiyon.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *