Naging kampeon ngayong taon sa Hudyaka sa Dagat Festival Fluvial Showdown Contest ang grupo ng mga Mananagat sa Tibanga sa Soda Beach Barangay Sta. Felomina,Iligan City nito lamang ika-21 ng Setyembre 2024.
Natanggap ng kampeon ang ganting P50,000 at karagdagang P5,000 na special award. Samantala P40,000 naman sa pangalawang pwesto at P30,000 sa pangatlong pwesto at P20,000 bilang consolacion prize sa apat na iba’t ibang nakilahok sa fisherfolks assocation.
Hiling naman ng City Agriculturist na si Mary Ann Beley na sa susunod na taon ay mas marami pa ang sasali sa ganitong Hudyaka sa Dagat Festival Fluvial Showdown Contest.
Bagaman ito ay parte ng selebrasyon ng Diyandi Festival, layunin nito na kilalanin ang kontribusyon ng mga mananagat sa pagsuplay ng pagkain sa syudad ng Iligan at sa patuloy na pangangalaga ng karagatan .