Personal na iniabot ni Gobernadora Yvonne Cagas ang kabuuang halaga na PhP2,760,000 sa mga kinatawan ng 15 barangay sa Digos City, Davao del Sur nito lamang ika-16 ng Disyembre, 2024.

Ang halagang ito ay ipapamahagi sa mga barangay functionaries, hindi kabilang sa Barangay San Isidro na gagamitin ang natanggap na pondo para sa pagbili ng computer set at printer, Barangay San Pedro na ilalaan ito para sa pagsasaayos ng drainage canal, at Barangay Bacungan na ipangunguna ang pagpapaganda ng kanilang barangay hall.

Ang pamamahagi ng pondo ay isang mahalagang hakbang upang matulungan ang bawat barangay na maisakatuparan ang kanilang mga proyekto at inisyatiba para sa ikauunlad ng komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *