Ipinamahagi ng Kagawaran ng Agrikultura sa pamamagitan ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ang mga makinarya at tulong pang-agrikultura sa mga magsasaka sa probinsya ng Zamboanga del Sur sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng pamahalaan nito lamang Lunes, ika-16 ng Disyembre 2024.

Ang pamamahagi ng mga makabagong kagamitan na nagkakahalaga ng P83.8 milyon ay isinagawa sa lungsod ng Pagadian.

Aabot sa 73 agricultural technology units kabilang na ang 10 Four Wheel tractors tier II at siyam na fourwheel tractors tier III ang ipinamahagi ng DA sa 43 asosasyon ng mga magsasaka sa nasabing probinsya.

Layunin ng programa sa ilalim ng Rice Tariffication Law na mapataas ang ani ng mga magsasaka, mabawasan ang post production losses at mapalaki ang kanilang kita.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *