Sa layuning palakasin at gawing permanente ang mga inisyatibo ng probinsya laban sa insurgency, ipinasa nito lamang Disyembre 16, 2024 ng Provincial Task Force Ending Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) sa kanilang 4th Quarter Meeting ang isang resolusyon na humihiling sa Sangguniang Panlalawigan na magpasa ng isang ordinansa upang ma-institutionalize ang Programang “Davao Oriental Bayanihan”.

Nagsanib-puwersa ang mga miyembro ng Task Force sa pangunguna ni PTF-ELCAC Chairperson Governor Niño Uy, upang ipagpatuloy ang programang ito sapagkat napatunayan ng ang programang ito ay may positibong epekto sa probinsya, lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Ayon kay Gov. Uy, mahalaga ang ordinansa upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan na pundasyon ng kaunlaran sa probinsya.

Ipinangako rin nito na magpapatuloy ang PTF-ELCAC sa pagbibigay ng suporta para sa mga mamamayan ng Davao Oriental.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *