Nasakote sa ikinasang operasyon ng pulisya ang isang chainsaw operator at tinaguriang Top 1 Station Level Most Wanted Person sa Purok 3, Centro Barangay, Magtuod, Maa, Davao City nito lamang ika-15 ng Disyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Rexde”, 41 anyos, isang chainsaw operator at residente ng nasabing lugar.
Mahaharap sa kasong Frustrated Murder na may kaukulang Php120,000.00 na piyansa ang suspek.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng isang maayos at tahimik tungo sa pagkamit ng kaunlaran ng ating bansa.