Tiklo ang isang Top 4 Most Wanted Person Municipal Level sa patong-patong na kaso sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Sitio Tariago Brgy. Tictapul, Zamboanga City nito lamang ika- 13 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na sina alyas “Ton-ton”, 28 anyos, lalaki at residente ng Sitio Tariago Brgy. Tictapul, Zamboanga City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 28 Para (A) RA 10591; (may piyansang Php100,000) at Sec 11 of RA 9156 (may piyansang Php200,000); Direct Assualt with Attempted Murder (may piyansang Php100,000) at PD 1866 as ammended by RA 8294 and Sec 3 of RA 9516 na walang inirekomendang piyansa.
Sa pagkamit ng hustisya sa lahat ng biktima ay patuloy ang PNP sa paghuli sa mga taong may sala sa batas upang makamit ang isang payapa at maunlad na pamayanan.