Kitang-kita ang mga ngiti sa mga labi ng 25 benepisyaryo ng housing program ng lungsod matapos ibigay ni Mayor Rolando `Klarex’ Uy ang kanilang entry passes sa flag raising ceremony sa City Hall nito lamag ika-7 ng Oktubre 2024.

Ayon kay Cesar Pagpulaan Jr., Acting Department Manager ng City Housing and Urban Development Department (CHUDD), na ang mga benepisyaryo ay titira sa 722 Pahiron relocation site sa Barangay Lumbia.

Ikinatutuwa ng mga benepisyaryo ang pag-abot ng nasabing entry passes at lubos ang kanilang pasasalamat kay Mayor Klarex dahil mayroon na silang sariling bahay.

Ang entry pass ay pahintulot ng lokal na pamahalaan sa isang benepisyaryo na titira sa bahay na ibinigay ng lungsod.

Ang pagpapalakas ng programa sa pabahay, lalo na ang pangangalaga sa mga informal settler families (ISFs) ay isa sa mga prayoridad ni Mayor Klarex sa ilalim ng RISE AGENDA para mabigyan ng disenteng pabahay ang mga mahihirap.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *