Sa tulong ng Agricultural Productivity Operations Office o (APOO) ay nakatanggap ng mga kagamitang pang-agrikultura at mga plastic crates ang dalawang asosasyon ng mga magsasaka sa Barangay Tablon at Barangay Balubal, Cagayan de Oro City nito lamang ika-8 ng Oktubre 2024.
Nakatanggap ng isang unit na hand tractor multi-cultivator at 92 na unit na plastic crates ang Kiapo Palalan Farmers Irrigators Association (KIPAFIA) sa Barangay Tablon.
Samantala ang Balubal Integrated Social Forestry Farmers Assocation Incorporated o (BISFFA) ay nabigyan din ng isang unit na Corn Sheller. Ayon kay Engineer Paterno Gonzales, Department Manager ng APOO na ito ay inisyatibo ng Department of Agriculture (DA-10) bilang parte ng pagsuporta ng programang agrikultura ng siyudad.
Pinasalamatan ni Mayor Klarex Uy ang Department of Agriculture sa kanilang mga proyekto at programa para sa mga magsasaka para mas mapaigting pa ang pag-asenso sa produksyon at pangkabuhayan.