Narescue sa pamamagitan ng Wildlife Rescue Operation ng mga tauhan ng Lanao del Norte PNP Maritime Police Station ang isang wildlife threatened species sa Purok 1, Brgy. Simbuco, Kulambugan, Lanao del Norte nito lamang ika-8 ng Oktubre 2024.
Nasagip sa operasyon ang isang ahas na mas kilala bilang “Baksan” na may scientific name na “Malapython reticulatos” na kusang-loob na itinurn-over ng isang concerned citizen. Pinaniniwalaan na ang hayop na ito ay itinuturing na nanganganib sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang nasabing hayop ay i-tinurn over sa Provincial Enviroment and Natural Resources Office (PENRO) para sa tamang disposisyon at maibalik sa kanyang natural na tahanan. Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kapayapaan sa pamayanan, kabilang na din ang pagsiguro na walang hayop ang masasaktan at kabilang sa pinoprotektahan ng ating mga kapulisan.