Itinampok ang Bagong Bayaning Magsasaka o BBM Rice na nagkakahalaga ng P29.00 kada kilo sa ginanap na Kadiwa ng Pangulo sa NIA sa lungsod ng Zamboanga nito lamang ika-28 ng Oktubre 2024.
Ang mga bigas na binebenta sa Kadiwa ay bahagi ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice Program ng pamahalaan at galing sa contract farming program o tinatawag na Farming Support Program ng National Irrigation Administration (NIA).
Maliban sa mga binebentang bigas na karamihan ng mga mamimili ay kabilang sa vulnerable sector, tampok rin sa Kadiwa ang mga sari-saring produkto ng mga magsasaka.
Aabot sa 100 sako na tig-10 kilong BBMR ang naibenta sa nasabing aktibidad. Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta ng NIA ZAMBASULTA Regional Sub-Office (ZRSO) sa mga Irrigators Association.
Ito din ay pamaraan ng pamahalaan upang tulungan ang ating mga kababayan na mas nangangailangan.