Malugod na tinanggap ni Nanay Constancia Sibugon mula sa Purok Rose, Barangay Bincungan, Tagum City, Davao del Norte ang halagang ₱100,000.00 bilang “Centenarian Gift” matapos ipagdiwang ang kanyang ika-100 kaarawan noong Setyembre 21, 2024.

Personal namang iniabot nina Konsehala Ester L. Anggoy at Joan E. Duran, Administrative Officer ng City Social Welfare Development Office (CSWDO), ang regalo kay Nanay Constancia.

Ito ay alinsunod sa City Ordinance 818 s-2017 o Centenary Senior Citizens Ordinance ng Tagum City, kung saan ang lahat ng mga Tagumenyos na umabot ng 100 taong gulang ay makakatanggap ng P100,000.00 mula sa lokal na pamahalaan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *