Namahagi ng Supplementary Feeding Program ang Local Government Unit ng Cotabato sa mga bayan ng Pigcawayan, Midsayap, at Makilala nito lamang ika-29 ng Oktubre 2024.
Pinangunahan ni Gov. Lala Mendoza, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12 ang naturang aktibidad. Nagpatuloy ang pamamahagi ng supplementary feeding supplies kung saan sinimulan na nitong Lunes ang pagdeliver ng huling batch nito sa mga bayan ng Pigcawayan, Midsayap, at Makilala.
Ang mga suplay na ito ay may alokasyon na P1,429,200.00 mula sa DSWD na mapapakinabangan ng 4,764 daycare children na naka-enrol sa 152 child development centers at 42 supervised neighborhood plays sa tatlong bayan.
Layunin ng pamahalaan ng Cotabato na masiguro ang kalusugan ng mga batang Cotabateño.