Sumuko ang 18 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Purok 10, South Poblacion, Maramag, Bukidnon nito lamang ika-1 ng Nobyembre, 2024.

Napag-alaman na kasabay ng pagsuko sa 18 NPA members ay isinuko din ang tatlong rifles, isang .45 caliber pistol at mga subversive documents.

Patuloy ang Bukidnon PNP sa pagsiguro na walang puwang sa probinsya ng Bukidnon ang teroristang grupo na NPA, na walang ibang dala kundi karahasan at terorismo na balakid sa paglago ng turismo, pagkasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan, at balakid sa ating inaasam na kapayapaan tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *