Matagumpay na ipinagdiriwang ang komemorasyon at Indigenous Peoples’ Right Act of 1997 sa Valencia City, Bukidnon nito lamang ika-31 ng Oktubre 2024. Ang selebrasyon ay pinangunahan sa pakikiisa ng Office of the Indigenous Peoples Mandatory Representative, Valencia City Youth Development Office at City Tourism and Cultural Affairs Division.

Sinimulan ito ng motorcade at nagkaroon ng Pamana Cultural Show na ipinakita ang mga iba’t ibang kasuotan at sayaw sa tribo ng Talandig, Manobo at Bukidnon na ipinamalas ng mga kabataan at mga dumalong mga bisita. Ipinabatid ni Mayor Azucena “Sunny” P. Huervas ang kaniyang malaking pagsuporta sa isinagawang aktibidad.

Dagdag pa, patuloy na himukin ang pagpreserba at pagbigay ng importansya sa kultura at karapatan ng mga Indigenous People sa pagkakaroon ng patas na pagbibigay ng serbisyo. Ikinagalak rin ni City IPMR Bae Irene Pandian, ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta sa naturang aktibidad at patuloy na pagkakaroon ng pagkakaisa at pagsuporta sa kabutihan sa mga Indigenous People.

Naging matagumpay ang aktibidad sa presensya at suporta nila Atty. Pingky Grace Pareja, NCIP Commisssioner for Northern and Western Mindanao na si Ronaldo Bayaon, Provincial NCIP Officer, Francis Oliver Awiten, Local Youth Development Officer IV,Raiza Maicah Layos, mga City opisyales ng siyudad na sila Councilor Rolando Centillas Jr., Councilor Mauricio Sistoso Jr., Councilor Jerusha Cadigal-Recla, Councilor Annalou Zambrano, Councilor Mark Anthonee Bernal, SK Federation President John Estoquia at mga bisita.

Layunin ng ganitong uri ng aktibad na pag-ibayuhin ang pakikipagkapwa at pagkakaisa para sa pantay-pantay na pakikipagturingan sa kapwa nating mga Pilipino para sa ating pag-asenso.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *