Arestado ang isang Top 8 Most Wanted Person Regional Level sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok Orchid, Brgy. Dalisay, Titay, Zamboanga Sibugay nito lamang ika-2 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Drin”, 19 anyos, lalaki at residente ng Brgy. Dalisay, Titay, Zamboanga Sibugay.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (2 Counts) na walang inirekomendang piyansa. Patuloy ang PNP sa paghuli sa mga taong may atraso sa batas upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating bansa.