Namahagi ng 2,000 coconut seedlings ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cotabato sa 20 na magsasaka mula sa bayan ng Carmen, Kabacan, Magpet, Matalam, M’lang at lungsod ng Kidapawan nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng Philippine Coconut Authority (PCA) katuwang ang LGU Cotabato, Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) ang pamamahagi ng Coconut Seedlings.
Ang naturang planting materials ay pinondohan ng Php170,000.00 sa ilalim ng Sustainable Coconut Planting and Replanting Program ng ahensya.
Layunin nitong mapataas ang ani at kita ng mga magsasakang CotabateƱo sa pamamagitan ng pagpapaabot ng libre at dekalidad na planting materials upang makabawas na din sa kanilang gastusin sa pagsasaka.