Nasakote ang isang security guard sa ikinasang Oplan Kapkap Bakal ng mga otoridad sa Brgy. Poblacion, Tboli Food Hub, South Cotabato bandang 12:30 ng madaling araw nito lamang ika-3 ng Nobyembre 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Patrick”, 29, security guard at residente Purok Centro, Brgy. Kematu, Tboli, South Cotabato.

Nabatid na isang mamamayan ang nag-report sa istasyon ng pulisya hinggil sa isang lalaking lasing at may dalang baril.

Agad pinuntahan ng Tboli PNP at nang hanapan ng dokumento ang naturang security guard ay wala itong maipakita sa pulisya.

Narekober ang isang yunit ng homemade .38 revolver, isang bala para sa .38 revolver at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang suspek.

Pinapaigting ng Tboli PNP ang kampanya kontra loose firearms at nananawagan sa lahat ng may ari ng baril na walang kaukulang dokumento na i-surrender upang maiwasan magkaroon ng kaso.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *