Patuloy ang pagbibigay tulong ng Pamahalaang Lokal ng Iligan City sa isinagawang Serbisyong Iliganon Caravan 2024 sa Brgy. Lanipao, Iligan City nito lamang ika-7 ng Nobyembre, 2024.
Ang naturang programa ay nilahukan ng City Helath Office, City Civil Registrar, PDAO (Person with Disabilty Office), Office of Senior Citizen Affairs (OSCA), City Veterinary Office, Cooperative Development and Livelihood Office (CDLO), City Agriculturist Office.
Namahagi ng libreng gamot, libreng bunot sa ngipin, gupit at tuli sa mga kabataan.
Mahigit 300 benepisyaryo ang napasaya sa iba’t ibang serbisyo tulad ng serbisyong medikal, dental, pangkabuhayan, legal, at mga pangangailangan sa edukasyon at social welfare.
Layunin ng aktibidad na dalhin ang mga serbisyo ng pamahalaan nang direkta sa mga barangay at komunidad at bigyan ng pansin ang mga indibidwal na kadalasang hindi naaabot ng mga regular na serbisyo ng pamahalaan.