Ibinida sa idinaos na Body Painting Contest ang 10 Senior High School Students na naglaban-laban na ginanap ng Department of Trade and Industry (DTI) kasabay ng Visual Arts Day noong Nobyembre 6, 2024.

Ayon kay Florence C. Paler, DTI Provincial Office Creative Industry Focal Person, nais nilang mas makilala ang iba’t ibang aspeto ng industriya sa malikhaing sining at maisulong ang mga local artist.

Ang tema ng kompetisyon ay “Pagmamalaki ng Iligan” at “Pagmamalaki ng Lanao del Norte” na layon na isulong ang kultura at kagandahan ng Iligan at Lanao del Norte.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *