Bilang bahagi ng pagsuporta sa mga lokal na mag-aaral at pagtugon sa pangangailangan sa transportasyon sa loob ng Barangay Dahican, inilunsad ng barangay na pinamumunuan ni Kapitan Eric Rabat ang Dahican School Bus Service.
Ang bagong sasakyan, na nagkakahalaga ng hindi hihigit sa isang milyon, ay pinondohan gamit ang pondo ng Barangay Dahican’s disaster and annual investment funds, na nagpapakita ng dedikasyon ng komunidad sa pagtutok sa edukasyon at kapakanan ng mga mag-aaral.
Ang Dahican School Bus, na kayang magsakay ng hindi bababa sa 30 pasahero ay makakatulong sa tinatayang 4,000 na mga mag-aaral mula sa Barangay Dahican.
sDagdag pa, ang sasakyan ay nagsisilbi ring bilang isang evacuation at disaster response vehicle sa panahon ng kalamidad. Sa pamamagitan ng serbisyong school bus na ito, patuloy na pinahahalagahan ng Mati City ang pagkakaroon ng madaling acces sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan, na tinitiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataang residente pati na rin ng mga healthcare workers.