Nagsagawa ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Oval Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Isa si City Mayor Lorelie G Pacquiao sa mga Ceremonial Release ng mga tseke at Civil Society Organization (CSO) Certificates of Accreditation sa mga benepisyaryo ng programa.
Ang pondo at tulong mula sa DSWD ay magbibigay ng pagkakataon sa mga asosasyon na mapalago ang mga negosyo at kabuhayan, pati na rin ang pagpapabuti ng kalidad ng buhay.
Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisysaryo dahil sa tugon ng pamahalaan sa tulong pangkabuhayan.