Nagsagawa ng Year-end Relief Operation ang Local Government Unit Cotabato sa iba’t ibang barangay ng Aleosan, Cotabato nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang pagsasagawa ng year-end relief operation para sa pamilyang CotabateƱo.
Umabot sa 420,630 pamilyang CotabateƱo na makakatanggap ng 10 kilo ng bigas mula sa kapitolyo.
Unang tinungo ng grupo ang 17 barangays mula sa bayan ng Aleosan kung saan nasa 11,930 na pamilya ang makikinabang sa naturang ayuda ng pamunuan ni Gov. Mendoza na bahagi ng kanyang adhikain na matulungan ang mga mahihirap at bulnerableng sektor sa lalawigan.
Lubos na nagpapasalamat ang mga benepisysaryo dahil sa tugon ng Pamahalaan sa pagtulong sa pamilyang apektado ng mga sakuna.