Kalaboso ang Top 4 Regional Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay San Jose, General Santos City nito lamang umaga ng Nobyembre 12, 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Frandin”, 45 anyos.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape (6 Counts) na walang rekomendadong piyansa.
Ang PNP ay masigasig sa operasyon na ilagay sa likod ng rehas ang mga taong may sala sa batas.