Nakatanggap ng P10,000.00 mula sa Presidential Assistance to Farmers Fisherfolks and Families (PAFFF) ang 500 benepisyaryo ng mga magsasaka at mangingisda sa 35 barangay ng Iligan City nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Ang PAFFF program ng pamahalaan ay naglaan ng pondo para matulungan ang mga pinakanaapektuhan ng El NiƱo noong nakaraang taon.
Ayon kay Kevin Fernan, ang Focal ng City Agriculturist’s Office priority ng programa ay sa Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDAs) kung saan 20% ng mga tumanggap ay mula sa barangay Rogonon.
Nakatanggap din ng limang kilo ng bigas ang unang batch ng PAFFF.
Ang lungsod ay may 1,054 na benepisyaryo.
Nilinaw ni Mayor Frederick Siao na tiniyak na makakatanggap ng ayuda ang mga pinaka-apektado.
Layunin ng programa na mapabuti ang kabuuang kalidad ng pamumuhay ng mga nasa sektor ng agrikultura at pangingisda, at magbigay ng tulong sa mga hamon na kanilang kinakaharap.