Nasakote ang isang senior citizen na tinaguriang Top 9 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Grave Threats sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Poblacion, Tagoloan, Misamis Oriental nito lamang ika-10 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Panio”, 62 anyos, lalaki at residente ng Brgy. Lingasad, Polanco, Zamboanga del Norte.
Inaresto ang suspek sa kasong Grave Threats in relation to R.A. 10591 na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.00.
Sinisiguro ng PNP ang kaayusan at katahimikan ng bayan kaya puspusan ang operasyon sa mga taong may sala sa batas at ilagay sa likod ng rehas.