Naglunsad ang City Mayor’s Office ng service caravan sa Barangay Daliaon Plantation, Toril District, Davao City bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-36th na anibersaryo ng barangay nito lamang Nobyembre 12, 2024.
Ang programang ito ay nag-alok ng iba’t ibang libreng serbisyo mula sa mga pambansa at lokal na ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa mga lumahok na ahensya ang NBI, PhilHealth, PSA, SSS, DSWD, CSWDO, Anti-Scam Unit, Barangay and Cultural Communities Affairs Division, mga tanggapan tulad ng City Agriculturist, City Assessor, City Cooperative Development, City Civil Registrar, City Environment and Natural Resources, City Engineer, City Health, City Legal, City Planning and Development, City Treasurer, City Transport and Traffic Management, City Veterinarian, Education Benefit System Unit, Lingap, Office of Senior Citizens, Public Employment Service Office, at mga tanggapan ng City Mayor, Vice Mayor, at Davao City Police Office.
Ang layunin ng Caravan ay dalhin nang direkta sa mga DavaoeƱo, partikular sa mga residente ng mga liblib na barangay, ang mga serbisyong pampubliko, upang matiyak na lahat ay magkakaroon ng pantay-pantay na pagkakataon na makinabang mula sa mga serbisyong iniaalok ng mga lokal at pambansang ahensya ng gobyerno.