Nagsagawa ng orientation para sa wastong paggamit ng Multi-Purpose Solar Drying Trays o PORTASOL ang Department of Science and Technology o DOST Zamboanga Sibugay Provincial Office sa Barangay Don Perfecto sa bayan ng R.T. Lim sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay noong Nobyembre 11, 2024.

Alinsabay sa ginawang orientation, ginawa rin ang pagkakabit ng 25 yunit ng PORTASOL sa Baluran Expanded National Greening Program Agricultural Procedures Cooperative (BENAGPAPCO) sa nabanggit na barangay.

Ang inisyatiba ay bahagi ng nagpapatuloy na proyekto ng DOST na “Provision of Sun Drying Trays for Community Empowerment thru Science & Technology in Support to Livelihood – DOST Region IX Component.”

Ang BENAGPAPCO ay isang katangi-tanging recipient ng PORTASOL dryers dahil mayroon itong 200 ektaryang cacao plantation sa Barangay Don Perfecto.

Ang PORTASOL ay isang portable, practical, at stackable tray na gawa ni Francisco “Popoy” Pagayon, presidente ng Filipino Inventors Society Producers Cooperative.

Habang ang pagbili ng PORTASOL post-harvest facilities ay pinondohan ng DOST upang mabigyan ng natatanging solusyon ang problema ng mga cacao growers sa bansa sa pagpapatuyo ng malaking volume ng cacao beans.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *