Nagsagawa ng Medical-Dental Outreach Program ang Local Government Unit Cotabato sa Barangay Bangbang, Matalam, Cotabato nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng Serbisyong Totoo Medical Team ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) katuwang ang mga Barangay Health Workers sa naturang Medical-Dental Outreach Program.
Umaabot sa 452 residente ang naging benepisyaryo sa isinagawang serbisyong medical-dental.
Ang mga benepisyaryo ay nakapag-avail ng iba’t ibang libreng serbisyong pangkalusugan, tulad ng sumusunod: medical check-up, 330; dental services, 20; at operation tuli, anim.
Bukod dito, dalawang bata ang nabigyan ng Complementary Food Packs (CFPs), habang 85 naman ang nabahagian ng masustansyang pagkain sa feeding program.
Namahagi rin ng buntis kits sa siyam na nagdadalang-tao, at ang pagsagawa ng “Buntis Congress” sa ilalim ng Safe Motherhood Program na matagumpay na itinaguyod ng IPHO.
Ang nasabing aktibidad ay lubos na pinasasalamatan ng mga benepisyaryo, na ramdam ang pagmamahal at malasakit ng serbisyong totoo ng Pamahalaan ng Cotabato sa pamamagitan ng libreng serbisyong ibinigay sa mga nangangailangang CotabateƱo.