Matagumpay na naisagawa ang Kids Run 4 Fun ng Local Government Unit LGU Kidapawan sa Barangay Poblacion, Kidapawan City nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan naman ni City Mayor Atty. Jose Paolo Evangelista, ang naturang aktibidad katuwang ang mga kawani ng LGU Kidapawan City, City Social Welfare and Development at City Sports Office.
Tinatayang nasa 665 adults at 430 kids ang nakiisa sa aktibidad, mula sa Zumba hanggang sa pagtakbo.
Bahagi ito ng pagdiriwang ng 32nd National Children’s Month Celebration ngayong buong buwan ng Nobyembre na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!”.
Tumanggap ng mga papremyo ang mga nangunang runners (Top 30), mula sa dalawang nabanggit na kategorya kasama na rito ang mga representante mula sa University of Southern Mindanao, Persons with Disabilities, Senior Citizens Associations, Child Development Workers, Solo Parent group at marami pang iba.
Noon pa man ay malaki na ang suportang ibinibigay ng Lokal na Pamahalaan ng Kidapawan sa sektor ng mga kabataan sa lungsod, lalo pa at nakasalalay ang mas magandang hinaharap sa kanilang henerasyon.