Sumuko ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa mga otoridad sa Sitio Sto. Nino, Brgy Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang ika-12 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Domingo”, 49 anyos; alyas “Pen-Pen”, 34 anyos at alyas “Brigol”, 55 anyos, pawang taga- South Cotabato Province.
Nabatid na ang tatlong sumuko ay kabilang sa Guerilla Front Musa ng Far Southern Mindanao Region.
Isinuko din nito ang kanilang armas na isang homemade grenade launcher na may kasamang bala, isang yunit ng homemade single shot gauge .20 na may kasama ring isang bala, at isang yunit ng rifle grenade.
Ang pamahalaan ay seryoso sa pagpuksa sa teroristang grupo na balakid sa kaayusan at kaunlaran sa ating bayan.