Isang hindi malilimutang kasiyahan ang hatid ng programang Lakbay Taguminyo El Anciano para sa ating mga lola at lolo sa Tagum, nang magkaroon ng libreng dalawang araw na bakasyon sa Sea Eagle Beach Resort simula noong Nobyembre 12-13, 2024.
Ang programang Lakbay Taguminyo El Anciano ay isang espesyal na proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum na naglalayong magbigay kasiyahan at pag-aalaga sa mga senior citizen ng lungsod.
Ito ay pinangunahan ni Alkalde Rey T. Uy. Isinasagawa ito upang mapahalagahan ang kontribusyon ng mga lola at lolo sa komunidad at bigyan ng pagkakataong magpahinga at magsaya.
Isa sa mga tampok na aktibidad ng programa ay ang zumba, isang masayang ehersisyo na malaki ang tulong sa kalusugan.
Bilang bahagi ng programa, hindi rin nakalimutan ng mga tagapag-organisa ang pagpapakain ng mga masasarap at masustansyang pagkain upang tiyakin na ang mga benepisyaryo ay may sapat na nutrisyon at enerhiya habang nakikilahok sa mga aktibidad.
Sa pagtatapos ng kanilang bakasyon, ang mga senior citizen ay inihatidpauwi gamit ang mga modernong bus na inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum.
Bilang dagdag na tulong at pasasalamat sa kanilang partisipasyon, namahagi rin ang lungsod ng bigas para sa bawat benepisyaryo, isang hakbang na naglalayong matulungan sila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.