Isinagawa ang iba’t ibang kasiyahan at programa ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum sa mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) bilang bahagi ng selebrasyon ng OFW Family Day noong ika-17 ng Nobyembre, 2024.
Ang pagdiriwang ay nagbigay-diin sa pagpapahalaga at suporta sa mga OFWs at kanilang mga pamilya, na patuloy na nagsisilbing haligi ng ekonomiya at lipunan sa pamamagitan ng kanilang sakripisyo at pagtatrabaho sa ibang bansa.
Sinimulan pagdiriwang sa pamamagitan ng Bangon! Takbo! Para sa OFW Fund-Raising Fun Run kung saan ang mga nalikom na pondo mula sa fun run ay gagamitin upang magsustento at magbigay ng mga oportunidad para sa mga OFW at kanilang mga pamilya, upang mapabuti ang kanilang kabuhayan at makapagtaguyod ng mas matibay na ekonomiya sa lokalidad.
Bilang bahagi ng selebrasyon, si Bise-Gobernador De Carlo “Oyo” Uy, ang nagsilbing sponsor ng sine sa pelikulang Hello Love, Again, na tumatalakay sa mga pagsubok at sakripisyo na nararanasan ng mga OFWs.