Sumuko ang dalawang supporter ng New People’s Army (NPA) sa himpilan ng Bayog Municipal Police Station sa Bayog, Zamboanga del Sur nito lamang ika- 15 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Lie” 31 anyos, lalaki, isang magsasaka at alyas “Mio” 77 anyos, pawang residente ng Purok 4 Brgy. Sigacad Bayog, Zamboanga del Sur.
Agad namang nakatangap ng tig-isang sakong bigas ang mga sumuko mula pulisya at pamahalaan.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa iba pang miyembro at tagasuporta ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang mahal sa buhay.