Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang suspek sa bahagi ng Barangay Bayanga Norte, Matanog, Maguindanao del Norte nito lamang Martes, ika-19 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang biktima na si alyas “Malom”, residente ng Calanogas, Lanao Del Sur.
Ayon sa PNP, bandang 1:00 ng hapon nang biglang pinagbabaril ang biktima habang sakay ito ng minivan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Patuloy naman ang Matanog PNP na magsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang motibo at suspek sa pamamaril.