Nasakote ang Top 2 Most Wanted Person City Level sa kasong Murder sa Tubod, Iligan City nito lamang ika-19 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Budoy” 44 anyos, may asawa, aktibong personahe ng AFP at residente ng Brgy. Nangka, Balo-i, Lanao Del Norte.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case No. 23-28385 na walang rekomendadong piyansa.
Ang PNP ay masigasig sa paghuli sa mga taong may sala sa batas upang mapanatiling tahimik at maayos ang komunidad.