Nakatanggap mula sa Local Government Unit ng Iligan City ng financial subsidy ang mga solo parents ng Php6,000.00 sa mahigit kumulang 1,000 solo parents nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.

Ayon pa kay Mayor Frederick Siao, makakatanggap ang mga solo parent ng subsidy kahit na ano pa ang kaniyang politikal na pananaw.

Ang pinakaimportante ay pasado ito sa mga hinihinging requirements at validation.

Ito ay isang ordinansa ni Konsehal Rosevie Belmonte, na bigyan ng Php1,000.00 kada buwan ang mga magulang na mag-isang binubuhay ang kanilang mga anak para makatulong sa gastusin sa pang-araw-araw na gawain.

Dagdag pa ni Konsehal Belmonte, Committee Chairman ng Social Services na pinakauna ang Iligan City sa Region 10 na namigay ng subsidy sa mga validated na solo parents.

Lubos ang pasasalamat ni Konsehal Belmonte kay Mayor Freddie Siao na kasama sa 18th Council na tinulungang mabigyan ng pondo para sa buwanang subsidy ang mga solo parents.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *