Na-rescue ang isang “Alimokon” na tinurn-over ng isang concerned citizen sa mga tauhan ng Misamis Occidental Maritime Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Nelson E Baldamor Jr., sa Brgy. Mobod, Oroquieta City, Misamis Occidental nito lamang ika-18 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay nagresulta sa pagsagip sa isang “Lived Eared Brown Dove” o mas kilala sa tinatawag na “Alimokon”.
Pinaniniwalaan na ang hayop na ito ay itinuturing na nanganganib na Wildlife Fauna gaya ng idineklara sa Philippine Red List ng Threatened Wild Life Fauna sa ilalim ng RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Ang nasabing hayop ay i-tinurn over ng pulisya sa City Environment and Natural Resources Office o (CENRO) para sa tamang pag-aalaga ng naturang hayop.
Samantala, kaisa ang PNP sa pagsiguro na ang mga hayop ay napo-protektahan na naaayon sa core value na Maka-kalikasan.