Nagsagawa ng Year-End Relief Operations ang Local Government Unit Cotabato sa Alamada, Cotabato nito lamang Miyerkules, ika-20 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang naturang pamamahagi ng mga relief goods.
Libo-libong sako ng tig-sampung kilo ng bigas ang lulan ng 6-wheeler dumptruck ng kapitolyo.
Layunin ng pamahalaan na matulungan ang pamilyang Cotabateño na nangangailangan ng tulong serbisyo ng pamahalaan.

