Handog ng AKAP NG AKILA program ang financial assistance sa 1,000 residente ng South Upi Maguindanao del Sur sa Barangay Kuya, South Upi Gymnasium Maguindanao del Sur noong ika-16 ng Nonbyembre 2024.
Pinangunahan ni Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa naturang lugar.
Ang AKAP ay nangangahulugang “Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program”.
Layunin nitong makatulong maibigay ang pangunahing mga pangangailangan ng mga residenteng hindi sapat ang kinikita sa pang araw-raw na gastusin sa probinsya.
Lubos naman na ikinatuwa ng mga residente at pinapa-abot ang pasasalamat sa gobernadora dahil sa malaking tulong ito sa mga benipisyaryo.

