Ang Dalit Festival ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap tuwing ika-29 ng Setyembre sa Tangub City, Misamis Occidental.

Ito ay pagdiriwang sa kapistahan ni San Miguel Arkanghel, ang patron ng lungsod.

Ang salitang “dalit” ay nangangahulugang alay o pagbibigay-pugay, na ang selebrasyon na ito ay sumisimbolo sa pasasalamat ng mga mamamayan ng Tangub para sa lahat ng mga biyayang natatanggap nila sa buong taon.

Sa festival na ito ay matutunghayan ang mga makukulay na parada, ipinapakita ang mga produkto ng lungsod tulad ng agrikultura, pangingisda at iba pang mga industriya, tradisyunal na sayaw at mga ritwal na nagpapakita ng yaman ng kulturang Pilipino at pagkakaisa ng mga tao.

Ang isa sa pinakapopular sa kanilang pagdiriwang ay ang kanilang pagpili ng “Dalit Festival Queen” na kung saan ay pinaparangalan ang kagandahan, galing at husay sa pagsasayaw ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay at mga karatig na lugar.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *