Sarangani Province – Dalawang miyembro ng New Peole’s Army (NPA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Centro, Barangay Batian, Maitum, Sarangani Province nito lamang ika-21 ng Agosto 2023.

Kinilala ang dalawang sumuko na sina alyas “Bwen”, 63 anyos at alyas “John”, 22, kapwa residente ng nasabing lugar at dating miyembro ng Guerilla Front Musa (GF 73), Far South Mindanao Region (FSMR).

Kasabay naman ng pagsuko ng dalawa ay inaresto dahil sa nakabinbin na Warrant of Arrest sa kasong Murder na ipinalabas ng Regional Trial Court, 11th Judicial Region, Branch 38, Alabel, Sarangani na walang rekomendadong piyansa.

Napag-alaman din na isinuko ni alyas “Bwen” ang armas nitong Cal. 357 revolver pistol.

Patuloy ang panawagan ng PNP sa mga natitira pang miyenbro ng NPA na magbalik-loob sa pamahalaan at magbagong buhay kasama ang kanilang sariling pamilya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *