General Santos City- Patay ang isang Philippine Army Reservist matapos barilin ng riding-in-tandem sa General Santos City noong Agosto 20, 2023.
Kinilala ang biktima na si Danilo Samonte Alferez, 52 anyos, may asawa, Philippine Army Reservist, at residente ng Barangay Calumpang, General Santos City.
Ayon sa pulisya, binaril si Danilo dakong 6:00 ng gabi sa harapan ng Rusco Motors sa Lansang Village, Barangay Sinawal, General Santos City.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo ay bigla nalang tumambad sa ang hindi pa nakikilalang mga salaring sakay rin ng motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima dahilan para bawian ito ng buhay.
Agad namang tumakas ang dalawang suspek matapos ang pamamaril habang isinagawa ng mga awtoridad ang malalim na imbestigasyon upang malaman ang dahilan ng pamamaril at managot ang nasa likod ng insidente.