Sultan Kudarat- Nasa mahigit 800 bata at matatanda ang nakinabang sa inilunsad na Serbisyo Caravan ng LGU- Lebak na ginanap sa Bargangay Keytodac, Lebak, Sultan Kudarat nito lamang ika-23 ng Agosto 2023.

Ang mga serbisyong natanggap ng mga benepisyaryo ay ang libreng tupi, medical check-up, pamamahagi ng mga food packs, hygiene kits, sako-sakong bigas at iba pa.

Matagumpay na naisakatuparan ang naturang programa sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Lebak na aktibong sinuportahan ng mga kawani ng Philippine Army, PNP, MSWD, MDRRMO, LGBTQ advocacy Support groups at iba pang pribadong grupo at stakeholders.

Nagpasalamat naman ang LGU-Lebak sa kanilang mga kasosyo sa pagbabahagi ng caravan ng mga serbisyo para sa mga taong higit na nangangailangan sa kanilang nasasakupan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *