General Santos City — Nakatanggap kaagad ng tulong ang mga biktima ng sunog sa Purok San Miguel, Barangay Calumpang, General Santos City mula sa Local Government Unit (LGU) ng General Santos City sa pangunguna ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao nito lamang Agosto 27, 2023.
Matapos matanggap ng opisina ng Alkalde ang nangyaring sunog noong Agosto 26, 2023 ay agad binisita ang mga biktima at namahagi ng mga sako-sakong bigas, grocery items, Cash Assistance at iba pang mga basic needs.
Ayon sa report, nasa 28 displaced families, 95 displacd individuals ang mga naapektuhan ng sunog.
Matapos ang profiling ng mga social workers sa kaparehong araw ay namahagi din ang pamahalaan ng Php15,000 sa mga naitalang totally damage habang Php10,000 naman ang tinanggap ng mga partially damaged.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si City Mayor Pacquiao sa mga kawani ng BFP, CSWDO, PSO, CDRRMO, Barangay Officials ng Calumpang at iba pang mga volunteers na nakiisa sa ginawang pagtulong sa mga nasunugan.