Pantar, Lanao del Norte – Narekober ang mga kagamitang pampasabog ng Dawlah Islamiya Maute Local Terrorist Group ng mga awtoridad sa Brgy. Bowi, Pantar, Lanao del Norte nito lamang ika-28 Agosto 2023.
Narekober ang mga kagamitan dahil sa impormasyon ibinigay ng concerned citizen na may namataang mga armadong indibidwal sa nasabing lugar.
Narekober ang dalawang Heavy Pipes na hinihinalang may laman na Improvise Explosive Device at dalawang 9 Volts Batteries; dalawang 1.5 Volt Batteries; tatlong 12 Volts; dalawang Alarm Clocks; apat na Fragmentation Grenades (MK2) at Handheld Operational Radio.
Nagpasalamat naman ang Lanao del Norte PNP sa kooperasyon ng mga mamamayan para mapanatiling ligtas at tahimik ang ating pamayanan.